top of page

Why MILK is an underrated sports food...

Sa dami ng nauusong sports supplements ngayon, ang labo na kung ano nga ba talagang klase ang kailangan ng taong nageexercise at mabuti para sa kanilang katawan.

Kailangan bang mag-whey? Creatine? BCAA? Eh yung nauuso na collagen, need ko ba yon? Anong brand kaya ang maganda? Ang mga ito ang ilan lamang sa mga laging natatanong sa akin bilang isang sports dietitian-nutritionist.


Pero alam nyo mga friends, “halos PALAMUTI lamang” ang mga sports supplements sa overall nutrition ng isang active individual, maging sa mga professional at elite level athletes.

Marami ang nakakalimot, na ang tunay na pundasyon ng isang mainam at epektibong diet para sa mga active individuals ay ang tunay na pagkain. Sa aming mga SPORTS NUTRITIONISTS, ito ay tinatawag naming FOOD-FIRST APPROACH.

At sa totoo lang, isa sa masasabi kong underrated sports food ay ang gatas. Actually, ang gatas ay hindi lamang para sa mga maliliit na sanggol o maging sa mga lumalaking bata. Ito din ay maaring inumin ng mga taong madalas magexercise lalong-lalo na kung nais magpaganda ng katawan o di kaya ay gustong ma-maximize ang recovery mula sa isang strenuous activity.

Narito ang mga components ng gatas kung kaya’t ito ay mainam na sports food:

  • Ito ay naglalaman ng CARBOHYDRATES in the form of lactose na halos kaparehas ang amount sa mga commercially available sports drinks (glucose, maltodextrin).

  • Ito ay may quality PROTEIN na casein at whey on a 3:1 ratio. Ang casein ay slow digesting and absorbing protein na kayang mag-provide ng amino acid sa mas mahabang oras. Samantalang ang whey naman ay nagpo-provide ng branched chain amino acids at iba pang essential amino acids na napaka-importante sa muscle metabolism.

  • Ito ay mayroon din electrolytes na makakatulong sa recovery hydration especially after exercise.

  • At kumpara sa ibang commercially available sports drinks na fluids, carbohydrates, sodium at potassium lang ang laman, ang 🥛ay mayroon din calcium, magnesium, chloride, at iba pang vitamins and minerals na nakakatulong sa muscle function and exercise metabolism.

  • At bilang isang whole food, ang overall food matrix and nutrient to nutrient dynamics ng gatas ay marami pang naitutulong para sa overall health maintenance ng ating katawan.


So kung naguguluhan ka na at namamahalan pa sa mga sports suppments, the way to go is to choose a FOOD-FIRST approach at wag kalimutan isama ang gatas sa inyong sports nutrition regimen 😉



463 view1 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

1 Comment


Hi Coach Jeaneth! How about po yung gatas ng kalabaw? Ano pong say nyo? Thanks po Coach!

Like
bottom of page