Shirataki Rice: Miracle Carb or Weight Loss Hype?
- Coach Jeaneth Aro
- 32 minuto ang nakalipas
- 2 (na) min nang nabasa

Pwede na daw mag unli rice sa kanin na ito pero hindi nakakataba! Kung ikaw ay nagpapayat o di kaya naka-low carb diet, malamang ay narinig mo na ang shirataki rice. Pero ano nga ba ito? Safe bang kumain nito at talaga bang effective for weight loss?
Ang Shirataki rice ay kilala din sa tawag na Konjac Rice. Ito din ay binansagang “miracle rice” dahil sa halos wala itong caloric content based on 100g serving.
Ang shirataki rice ay gawa o nagmula sa konjac root na mayaman sa glucomannan. Ang glucomannan ay isang klase ng soluble fiber na may kakayanang mag-absorb ng tubig by upt o 50 times its weight. And when it has absorbed water it is transformed into a gel and moves slowly into the digestive system when consumed. This delays the digestion and helps in the feeling of fullness and can result to lower overall calorie intake. Kung kaya’t sinasabi or pinopromote ang shirataki rice/noodles for weight loss.

At, ayon din sa isang pagaaral ay maaring makatulong ang glucomannan intake sa pag-control ng hunger hormone na ghrelin when consumed before a high carbohydrate load drink among Type 2 diabetes patients.
Also, when consumed as a supplement, glucommanan has been shown to have a promising effect in wieght loss among overweight and obese individuals.
At ang iba pang positive effects ng glucomannan intake ayon sa mga pagaaral ay ang mga sumusunod:
Can help lower blood sugar levels in patients with diabetes or insulin resistance
Can help lower blood cholesterol
Can help lower LDL cholesterol
Can help address constipation in both children and adults
Pag dating naman sa safety, overall ay safe for consumption naman ang shirataki rice for most individuals when consumed in moderate amounts. Pero may ilan din ang nakakaranas ng bloating, flatulence and loose stools so mas maganda kung wag muna masyadong marami agad ang i-consume nito lalo na kung nagsisimula palang kayo na isama ito sa diet ninyo.
At dahil narin sa ito ay nauuso ngayon, maging vigilant po tayo sa pagpili ng bibilhin ninyong produkto at siguraduhin na kayo ay bibili lamang sa inyong trusted brand or seller.
So yes maaring makatulong ang shirataki rice para ma-achieve ninyo ang inyong weight and health objectives. Maari nyo itong subukan kung kaya ng budget ninyo at kung hindi naman kayo nakakaranas ng digestion issues tulad ng mga nabanggit ko.
Pero kung ako ang tatanungin ninyo, ang shirataki rice ay kabilang sa mga last options ko sa aking nutrition coaching tool box in order to create a calorie deficit. I’d rather teach my clients first the foundational principles of creating calorie deficit, that is through appropriate dieting strategies and adequate exercise which can definitely produce more pronounced health benefits.



Mga Komento