top of page

Weight Loss VS Fat Loss

Weight loss ba ang goal mo? Pero bakit ganun? Mukha ka naman pumayat pero sabi ng timbangan hindi ka gumagaan. May problema ka na ba sa kalusugan?

Sa tuwing may tinutulungan akong weight class athlete na naghahanda para sa isang competition, isa sa aspetong binibigyan ko ng pansin ay ang quality weight loss. Ito yung klase ng weight loss na pinaprioritize namin ang pag-babawas ng body fat habang mine-maintain or pinapa-gain ng muscle sa katawan ang atleta.


At bilang isang Nutrition Coach, sa tingin ko ay kailangan din natin i-apply ang same concept na ito maging sa non-athletic population: sa mga taong regular na nag-eexercise at maging para sa mga sedentary individuals na madalas lang nakaupo.

Kailangan natin ibahin ang ating perspective at hangga’t maari ay gawin natin goal ang FAT LOSS kesa sa simpleng WEIGHT LOSS.

Pag sinabing weight loss, generally ay tinutukoy nito ang pang-kalahatang pagbaba ng timbang na maaaring mula sa muscle, fat, body water, at minsan ay pati ang bone minerals.


Sa kabilang banda naman ang fat loss ay ang pagbawas ng body fat while as much as possible maintaining or gaining muscle in the body.


Karamihan ng timbangan na ginagamit nating pang-measure or track ng progress ay overall weight loss ang sinusukat. Ngunit may ilang timbangan na kaya rin mag-sukat ng body fat. Although hindi 100% accurate ang mga ito, maari parin naman gamitin ang mga portable weighing scale with body fat analyzers as a means to monitor or track your progress. Basta siguraduhin na tama ang procedures na inyong sinusundan sa tuwing kayo ay magsusukat ng timbang at body fat.


Maari din kayong mag-pakuha ng body fat percent manually sa mga trained sports and meadical practitioners gamit ang skinfold caliper. Pero kailangan ay trained practitioner ang gagawa nito.

Ka-klaruhin ko lang din mga friends na sa totoo lang ay hindi masyadong malaki agad ang mababawas sa timbang kung fat loss at muscle maintenance or gain ang gagawin mong goal. Dahil mas mabigat ang muscle kesa sa body fat.

Pero, wag ka ma-depress friend. Dahil pag FAT LOSS ang goal at maachieve mo, maaring hindi agad malaking weight ang mabawas sa timbangan pero mapapansin mo na:

  • mas masigla pakiramdam mo

  • mas lumalakas ka sa workout

  • mas maganda ang fit ng damit mo

  • meron ka nang nakikitang muscle definition sa katawan

  • lumiit o umiimpisang waistline, braso, or legs

  • nag-improve ang ilang health parameters tulad ng blood pressure

  • maging yun mga joint pains ay nababawasan

Tandaan na pag mas mataas ang porsyento ng muscle sa katawan ay mas tumataas din ang kakayahan natin na gamitin o sunugin ang calories na naconsume natin mula sa mga pagkain at inumin. At ang mas mataas na muscle percentage sa katawan ay nakakatulong din sa maintenance ng ating overall health.


So ano-ano ang kailangan mong gawin para ma-enhance ang FAT LOSS?

  • Sumunod sa isang lower calorie diet plan. Maari kayong kumunsulta sa mga kapwa ko dietitian para ma-computan kayo ng diet presciption at magawan ng meal plan. Maaari niyong panoorin ang video ko tungkol sa weight management and energy balance.

  • Kumain ng sapat na dami ng protein foods. Hangga’t maari ay 3-4x/day. Halimbawa sa almusal, kung oatmeal ang kakainin mo dapat may kapares na itlog. Sa tanghalian at hapunan naman kung may rice ka dapat meron din kapares na karne, isda, or manok. At sa meryenda maaring uminom ng gatas at lagyan ng keso ang tinapay sakaling sandwich ang meryenda mo.

  • Dalasan ang pag-eexercise lalong lalo na ang mga weight bearing activities tulad ng resistance training para mas lalo pang ma-stimulate ang muscle gain na mas lalo pang mag-papabilis ng inyong fat loss. Pwede niyo rin panoorin ang video ko tungkol sa mga kailangan gawin for muscle gain.


You can watch the video version of this article here:


References:

29 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comments


bottom of page