top of page
Larawan ng writerCoach Jeaneth Aro

The Role of Whey Protein in Muscle Building

Kung ikaw ay baguhan sa pag gy-gym at nangangarap na lumaki ang muscles, malamang ay madalas mong naririnig sa mga gym bros na kailangan mong uminom ng whey protein para lumaki ang muscles mo.

Totoo nga ba ito? Na ang whey protein ay nakakalaki ng muscles? Lagi kasi akong natatanong kung anong supplement ang pangpalaki ng muscles.

Sa totoo lang, ang tunay na nakakapag-palaki ng katawan or muscles ay ang COMBINATION ng WEIGHT OR RESISTANCE TRAINING at PROTEIN INTAKE. So hindi mo ma-ma-maximize ang pag-achieve ng mas malaking katawan or muscles kung isa lang sa dalawang ito ang iyong gagawin.

Pero, tandaan na hindi ibig sabihin nito ay wala nang role ang carbohydrates sa muscle building. Panoorin nyo ang video ko sa link na ito para malaman kung ano ang role ng carbs sa muscle building.


So kung may malaking kinalaman ang protein intake sa pagpapalaki ng katawan, kailangan ba na whey protein ang i-consume mo, tulad ng sinasabi ng mga gym bros natin?


Ang whey ay isang “by-product” mula sa pag gawa ng keso. Ito yung liquid portion na naiiwan kapag inalis na ang curd mula sa gatas. Tapos ito ay ipinapasailalim ng mga manufacturers sa filtration at drying process para maging whey protein powder.


Ang mga whey protein powders ay kilalang supplement na ginagamit ng mga athetes at mga taong gustong magpalaki at magpaganda ng katawan (dahil sa kakayanan nitong makatulong sa pag gain ng muscle at recovery at sa pag improve ng body composition) primarily because of how it aids in muscle gain and recovery, and in body composition improvements.

Nakita sa iba’t-ibang pag-aaral na ang whey protein ay:

  1. madaling ma-digest at ma-absorb sa katawan kung kaya’t

  2. mabilis nitong napapataas ang amino acid levels sa dugo

  3. which is an important factor in directing the actual muscle protein synthesis in the body

Ang whey protein ay isang complete protein na meron high amounts of essential amino acids with high proportions of branched-chain amino acid leucine. Ang amino acids ay ang building blocks ng protein. At ang leucine ay ang key amino acid that stimulates muscle protein synthesis. At kung ikukumpara ang whey sa ibang sources ng protein, ay talagang mas mataas ang essential amino acids at ng branched-chain amino acid leucine content nito.

Whey protein is a complete protein containing high amounts of essential amino acids, with high proportions of branched-chain AA leucine, which has been known to be the specific AA that turns on the light switch of muscle protein synthesis. And compared with other protein sources, whey has higher amounts of EAA and BCAA leucine.

So yes, maaring hindi man mai-explain ng mga gym bros ang complicated ideas na ito, pero totoo at may scientific basis ang sinasabi nila na nakakatulong ang whey sa pagpapalaki ng muscles sa katawan.

Pero, at ito ay ISANG MALAKING PERO, nakita din sa mga pag-aaral na napaka-importanteng maconsume or makain natin ang adequate protein requirement para mas lalong ma-enhance ang muscle building sa buong araw lalo na kung ikaw ay nagwe-weight training.

Which means kahit na umiinom ka ng whey protein supplement ay kailangan mo parin pagtuunan ng pansin ang OVERALL or TOTAL protein intake mo sa buong araw, sapamamagitan ng pagkain ng iba pang protein foods tulad ng chicken, meat, fish, eggs, monggo, beans, tofu, milk at iba pa. Sa ganitong paraan makakasigurado kang mamaximize mo ang gainz mula sa pag-papagod mo sa gym.

So mga friends, kailangan niyo ba ng whey protein para lumaki ang katawan? Hindi. Kailangan mo ng PROTEIN at weight training para lumaki ang katawan. Tandaan na ang whey protein supplement ay HINDI ULTIMATE SOLUTION bagkos ay isa lamang sa mga paraan na maaring makakatulong sayo sa hangarin mong pagpapalaki ng katawan.


Kung meron kayong mga katanungan tungkol sa article na ito, just let me know in the comments section. Kung nagustuhan niyo naman ang topic na napag usapan natin, please leave a like at paki share narin ang article na ito.


You can watch the video version of this article here:



References:

Michaela C. Devries and Stuart M. Phillips Journal of Food Science r Vol. 80, S1, 2015

Morton RW, et al. Br J Sports Med 2018;52:376–384. doi:10.1136/bjsports-2017-097608

173 view0 komento

Comments


bottom of page