Taho as Sports Food? Pwedeng pwede!
- Coach Jeaneth Aro
- Abr 8
- 2 (na) min nang nabasa
Updated: Abr 9
Sino ba naman ang hindi love ang taho? Yung tipong kinikilig ka pag naririnig mo yung sigaw na "TAHO!" ni kuya sa kanto. Yung mainit-init pa sa umaga at ang sweet combo ng arnibal at sago — classic Pinoy comfort food ‘yan!

Pero alam mo ba na puwede rin pala itong isama sa sports nutrition regimen mo? Ang taho, with its main ingredient na silken tofu, ay may potential na maging sports food kung tama ang timing at context ng pag konsumo nito.
Let’s quickly break it down science-style pero yung hindi dudugo ang ilong sa explanation.
Ang main ingredient ng taho na silken tofu ay magandang source ng plant-protein. Ang silken tofu ay gawa sa soy beans.
Ayon sa mga pag-aaral, ang soy-based proteins ay “low-cost protein source, with a balanced essential amino acid profile and with protein quality similar to whey”
Ang soy protein ay may intermediate effect pag dating sa muscle protein synthesis pagkatapos mong inumin. Medyo mas mababa ng kaunti kumpara sa whey, pero mas mataas naman kaysa casein. And take note - walang significant difference ang supplementation ng whey at soy protein pagdating sa muscle mass at strength gains. So kung plant-based ang preference mo, or kung tipid mode ka, taho can still be part of your muscle-building journey.

It's important to take note na maliban sa soy protein, ang taho ay naglalaman din ng carbohydrates dahil sa syrup o arnibal at sa sago. So paano o kailan pwede gamitin as sports food ang taho?
Pre-workout nutrition:
Maaring i-consume ang taho bago mag-workout or training lalong lalo na sa umaga at kung wala na kayong panahon mag-prepare ng almusal. Ang simple carbohydrates na nasa taho ay maaring maging souce ng quick energy to fuel an intense workout habang ang soy protein naman ay makakatulong upang ma-meet ang per meal protein requirements ninyo.

Post-workout nutrition:
After an intense or long-duration workout, maaring i-consume ang taho upang makatulong sa recovery process ng inyong katawan. Ang carbs na nasa taho ay maaring makatulong upang ma-replenish ang inyong energy stores habang ang soy protein naman ay makakatulong sa muscle repair process.
Pero syempre friends, tandaan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay sapat ang nutrient composition nito as a pre- or post-workout nutrition. Kailangan na aware parin kayo sa daily at per-meal nutrient requirements ninyo kung saan ay pwede ninyong idagdag ang taho as a sports food to have a less guilt sweet treat.
Opmerkingen