Sports Drink VS Coconut Water: Same Hydrating Effects?

Madalas na pinopromote ngayon ang pag-gamit ng natural foods to enhance sports performance and recovery.

Pag dating sa hydration, isa sa nauuso ay ang coconut water (CW). May mga nagsasabi na mas ok daw ito kesa sports drinks (SD) kasi naturally sourced at meron din carbohydrates and electrolytes tulad ng sa mga SD.


Pero totoo nga ba ito, na mas ok ang CW as sports rehydration beverage compared to SD?

Narito ang nutrient content ng mga hawak kong produkto:

SPORTS DRINK (SD): Nutrient content 350mL per container: Calories: 91kcal Sugar: 22.75g (6.5%) Sodium: 171.5mg Potassium: 70mg


COCONUT WATER (CW): Nutrient content 330mL per container: Calories: 60kcal Sugar: 15g (4.5%) Sodium: 50mg Potassium: 600mg


Ang main purpose ng rehydration beverage para sa mga taong nag e-exercise ay:

  1. Thermoregulation

  2. Fluid replacement

  3. Electrolytes replenishment

  4. Energy provision

In general maaring gamitin ang CW as rehydration beverage dahil nakita sa pag-aaral na parehas lang ang effect nito with water pagdating sa rehydration.

Ngunit sa mga pagkakataong energy depleting, dehydrating, at more than 1 hour ang exercise tulad ng sa mga athletes, mas mainam na gamitin ang SD as rehydration beverage dahil sa higher carbohydrate at sodium content nito na nakakatulong para magbigay ng additional energy habang nag-eexercise at mas lalong ma-retain ang fluids sa katawan lalo na kung higit sa 2% ng body weight ang nabawas matapos ang exercise dahil sa fluid loss.

Tandaan na mas maraming sodium ang nawawala sa katawan kesa sa potassium pag ang isang tao ang nagpapawis dahil sa heavy exercise. Ang pag-consume ng sapat na amount ng sodium ay makakatulong din para mas maabsorb ng mabuti ang carbohydrate na nasa sports drinks lalo na kung kailangan ng energy source during exercise or kailangan ng madaliang pag replenish ng energy stores sa muscles at fluids sa katawan.


Ang mga SDs ay properly formulated samantalang ang content ng CW naman ay nagiiba-iba base sa maturity o pagkahinog ng coconut na pinagkuhanan ng juice.


So in summary, for general rehydration or recreational athletes or for lighter training sessions, pwede ang coconut water. But for longer duration, energy depleting and dehydrating exercise session, it is best to rehydrate with sports drinks.


Pwede nyo rin panoorin ang video na ito para malaman kung kailan dapat at paano gamitin ang sports drinks:

References: https://doi.org/10.1111/j.1467-3010.2009.01790.x https://doi.org/10.1123/ijsnem.2016-0121 https://doi.org/10.1186/1550-2783-9-1


Disclaimer: All information shared in this post are for general education purposes only. Consult a licensed health professional if you have specific nutrition, health, and medical concerns.

4 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat