top of page
Larawan ng writerCoach Jeaneth Aro

Skinny Fat Ka Ba?

Kain ka ng kain pero hind ka tumataba? Feeling mo tuloy ay nanalo ka nung naghasik ng ka-payatan genes! Pero wait lang mga friends, hindi basta-basta ganun yun.

Dahil merong mga taong tinatawag na “skinny-fat” or yung mga taong mukhang payat pero actually hindi maganda ang kalagayan ng kalusugan. Hala meron palang ganito?!

Actually mga friends, ang mga taong skinny fat ay may healthy body weight at body mass index pero may mataas na body fat level. Kadalasan pag tiningnan mo ang mga taong “skinny fat” ay hindi mo iisipin na sila ay literal na mataba o may high body fat percentage.

In fact pag sa mga kababaihan pa nga, may ilan na mukhang sexy at pag sa mga lalaki naman mukhang slim. Paano kasi ang body fat ng mga taong skinny fat ay kalimitang naiipon sa parte ng katawan kung saan hindi ito mapapansin.

Yung body fat na obvious sa paningin natin ay tinatawag na subcutaneous fat. Pero yung body fat na hindi masyadong obvious na mataas na pala ang level ay tinatawag na visceral fat.


Ang visceral fat ay ang fat na naiipon sa bandang tyan or abdominal area kung saan nanduon ang ating vital organs tulad ng liver, kidneys, stomach and intestines. Which means may mataas na chances na mabalutan ng taba ang mga ito kapag masyadong mataas ang level ng ating visceral fats.


Ang fat na naiipon sa tyan ay kalimitang combination ng subcutaneous at visceral. Ngunit pag masyadong mataas ang visceral fat level ay tumataas din ang risk na magdevelop ng mga sakit tulad ng heart attack or heart disease, type 2 diabetes, stroke, breast and colorectal cancer at Alzheimer’s disease.


At sa mga skinny fat, kasama ng pagkakaroon ng mataas na visceral fat ay ang mababang level ng muscle sa katawan kung kaya’t kalimitan ay mataas din ang kanilang overall body fat. Tandaan natin na importante ang muscle sa katawan dahil sa malaki ang naitutulong nito upang manatiling mataas ang ating metabolic rate na syang nakakatulong para tayo ay laging maging healthy. Ang muscle ay imporante din upang ma-maintain natin ang strength at functional mobility lalo na pag tayo ay nagkaka-edad, at may malaki din itong naitutulong maging sa immune function, wound healing, atbp.


Sa mga young adults ang skinny fat syndrome ay tinatawag normal-weight obesity (1) at sa mga taong may edad na ito naman ay tinatawag na sarcopenic obesity (2).


So overall mga friends, kailangan natin tandaan na hindi porke’t nasa tamang timbang at mukhang payat ay healthy ka na. Ultimately, kailangan mong i-assess ang iyong lifestyle, whether ikaw ba ay kumakain ng tama, at majority ba ng nakakain mo ay whole foods? At ikaw ba ay regular na nag-eexercise, lalo na ang weight training at hindi lang puro cardio ang ginagawa mo? Dahil ang mga factors na ito o ang kawalan ng mga lifestyle habits na ito ang may malaking impluwensya sa pag-develop ng skinny fatness na ngayon ay alam nyo nang hindi healthy.

You can watch my video here on this topic

References:

24 view0 komento

Comments


bottom of page