top of page
Larawan ng writerCoach Jeaneth Aro

Potatoes and Digestive Health

Ayon sa 2015 Philippine Dietary Reference Intakes, ang recommended intake ng fiber para sa mga adults na may edad na 19 pataas ay 20 - 25 grams kada araw (1).


Pero ang nakakalungkot dito ay karamihan sa ating mga Pilipino ay hindi man lang nami-meet maski kalahati nitong amount na ito. Ito ay dahil sa mababa ang intake natin ng mga pagkain na nutrient-dense sa kabila ng mas mataas na intake ng mga refined na pagkain tulad ng white rice at white bread (2).

Maganda sana kung nakakamit natin araw araw ang fiber requirements dahil napatunayan na ang fiber ay may magandang effect sa ating digestion at gut microbiota o mga good bacteria na nakikita sa ating digestive system.

Signs of good “gut health” includes:

  • normal bowel function,

  • effective absorption of nutrients and subsequent adequate nutritional status, - absence of gastro-intestinal illnesses,

  • normal and stable intestinal microbiota and

  • effective immune status

Ang isa pang food component na nakakatulong sa digestive health ay ang mga resistant starches. Ang resistant starch ay isang klase ng complex carbohydrate that is “resistant” to enzymatic degradation in the small intestine and reaches the large intestine intact thus providing beneficial food for the good digestive bacteria. They convert it to the short-chain fatty acid butyrate, which has been linked to reduced inflammation in the colon, improved colon defenses and a lower risk of colorectal cancer (3).

At dahil hindi nakukuha ng karamihan ng mga Pilipino ang daily recommended intake ng fiber dahil sa low intake ng fruits and veggies, ang pagdagdag ng patatas sa diet ay makakatulong upang mapataas fiber at resistant starch intake. Potatoes contain approximately 2g of dietary fiber in a medium size potato serving (~5.3oz). In addition to this, it also contains resistant starch (RS) at 3.6g RS per 100g when potato is baked or 2.4g RS per 100g when boiled (3).


At maliban sa magandang effect nito sa digestive health, ang pagkain ng patatas ay makakatulong din sa iba pang health issues tulad ng blood pressure/hypertension, weight management/obesity, glycemic response at Type II diabetes. Ngunit kinakailangan pa ng karagdagang controlled studies para ma kumpirma ang role ng patatas sa pag manage ng mga chronic conditions na ito.


In summary, ang pag dagdag ng patatas sa diet, ito man ay kapalit ng refined rice o parte ng vegetable intake, ay makakapag bigay na karagdagang benefits hindi lamang dahil sa ito ay mainam na source ng complex carbohydrates, kundi dahil narin sa additional vitamins and mineral content nito tulad ng vitamin C at B6, potassium, magnesium at iron.


Disclaimer:

All information shared in this post are for general education purposes only. Consult a licensed health professional if you have specific nutrition, health, and medical concerns.


Full disclosure: This post was sponsored by Potatoes USA-Philippines but all opinions stated above are my own.


References:

(1) Philippine Dietary Reference Intakes 2015

4 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comments


bottom of page