top of page
Larawan ng writerCoach Jeaneth Aro

Para sa mga protein-conscious...Is this really a high-protein bread?

Just a couple of days ago, I was asked whether the nutrition information of this dessert bread is really true.

The bread (photo 1) according to its nutrition information contains 22g of protein per 2 slices of bread. So parang lumalabas na halos katumbas nya ang protein content ng isang protein bar (photo 2).

Mukha na sanang impressive, dahil kung presyo ang paguusapan, halos dalawang loaf ng dessert bread ang katumbas ng isang protein bar. Di hamak kasi na mas mura ang cost ng refined carbohydrates kesa sa protein food sources.

Kaya kung mapansinin ninyo, lahat ng mga value meals or tipid sulit meals puro halos refined or processed carbohydrates ang kasama, super konti lang ang protein foods na kasama sa meal.

Kaya para sa mga nag-gygym, lalo pa sa mga nagpapa-muscle, baka isipin na “uy, ok ‘tong tinapay na ito dahil high-protein na, mura pa”. Sana nga lang all...


Kasi nung sinuri ko talaga yun ingredients list nung dessert bread, ang unang ingredient ay high protein wheat flour. Samantalang sa protein bar, ay protein powder blends. Yun kasing una sa listahan ng ingredients list ay ang main ingredient ng isang processed food item. Sa ganitong paraan ma-coconfirm natin kahit paano yun macros content sa nutrition information.


Medyo nagtataka lang ako paano umabot sa 22g protein per 2 slices yun sa tinapay knowing na wheat flour ang primary ingredient. Kahit sinabing high protein pa sya, eh flour parin. Saka pag tinikman ang bread, fluffy sya. Pag high in protein kasi ang isang baked goodie usually tough ang texture. Kung sakali man na totoong 22g nga ang protein content ng tinapay na ito, hindi din sya maituturing na high quality protein tulad nung nasa protein bar.


Ang mga high quality protein ay may kumpletong amino acid content, na syang nakaka-stimulate ng muscle growth (provided na may resistance training). Yun mga high quality protein ay nakukuha usually sa animal protein sources (lean meats, fish, poultry, dairy) or sa soy protein. Sa protein bar, ang primary source ng protein ay milk proteins at whey protein.


Pagdating naman sa level ng feeling of fullness, mas di hamak na nakaka-satisfy yun 1 pack protein bar (mahal nga lang) kumpara sa 2 slices ng black forest bread na ito.


So in summary, kung totoo man na high protein bread ang dessert bread na ito, hindi parin sya maituturing na high quality protein source. Wag tayo masyado ma-impress agad-agad sa numbers sa halip ay i-evaluate din natin ang actual source ng macros

Kung meron po kayo katanungan, magmessage lang po at sikapin ko gawan ng write-up.

31 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comments


bottom of page