Alam nyo ba na nung mga panahon na nag-ta-Taekwondo pa ako, isa sa mga paborito kong kainin ay ang instant pansit canton? Lalo na pag ka-partner ng pandesal! Carbs on carbs!
Alin ang mas familiar na kinakain nating mga Pinoy sa tuwing tayo ay mag hahanda ng instant pancit canton? Yung nasa kaliwa? O yung nasa kanan?
Para sa isang budget-conscious teenage student athlete isa ito sa mga tummy lifesavers! Ang dali kasi nyang lutuin at sobrang malasa. Biruin mo, in approximately 5 minutes meron ka nang pang laman-tyan (pero sa totoo po, maging elite level Filipino athletes ay madalas din kumakain ng instant pansit canton).
Ginagawa ko ito nuon because I didn’t know any better. Hindi ko alam kung anong effect nito sa katawan pag madalas kinakain. Hindi ko alam na may ibang mga pagkain din na mas makakatulong sa katawan ko given the same price. Given it’s poor nutrient quality, hindi ko alam na hindi din sya makakatulong halos sa performance ko as an athlete. Hindi ko alam eh…BASTA ANG ALAM KO MALASA SYA! AT WALA NANG PILI-PILI SA TAONG GUTOM!
Ngunit ngayon na mas marami nang available information tungkol sa undesirable/unhealthy effects ng pag-kain ng instant noodles and other highly processed foods, napaka-dali na i-recommend na WAG KA NA KUMAIN NYAN. Pero para sa mga taong:
limited ang kaalaman sa nutrition
limited ang kakayahan sa pagluluto
laging gipit sa oras
budget conscious
ang laking challenge ang sumunod sa advise na ito.
Kung kaya, ito ang alternative suggestion ko: I-IMPROVE NATIN ANG NUTRIENT QUALITY NG INSTANT PANSIT CANTON MO.
All you have to do is:
blanch some veggies: carrots, baguio beans, cabbage
add 1-2 pieces boiled eggs
use only 1/2 to 2/3 of the seasonings
use only 1/2 of the oil included in the package
BONUS TIP: add more veggies and reduce noodle portion to 1/2 if you will not exercise
Sa ganitong paraan ay masisigurado na sa meal na ito ay:
Tataas ang vitamin and minerals content ng meal mo
Tataas ang fiber intake mo for the day
Mabawasan ng 300 to 500mg ang sodium intake mo from this meal
Madadagdagan ng 8-16g quality protein ang intake mo for the day
Nagimprove ang overall quality ng meal mo
Nutrient and Cost comparison:
Instant pansit canton (1 pack) with 2 pieces pandesal:
Kcal: 556
Carbs: 89g
Protein: 14g
Fat: 16g
Total cost: P19.80
Instant pansit canton (1 pack) with 1 cup veggies and 1 piece boiled egg
Kcal: 409
Carbs: 55g
Protein: 18g
Fat: 13g
Total cost: P32.80
With P13.00 difference, mas di hamak na nag-improve ang nutrient value ng instant pansit canton meal mo
Sa panahon ngayon, mas mainam na practical at highly contextualize/individualized ang advise na susundan natin upang ito ay mas sustainable at makakatulong sa atin nang pang-matagalan.
Disclaimer: hindi ko po pino-promote ang pagkain ng instant noodles. Ngunit sa mga pagkakataon na wala kayong choice at ito ang inyong kakain, ay mabuti nang malaman ninyo kung paano ito gawing healthy.
Comments