top of page
Larawan ng writerCoach Jeaneth Aro

OMEGA-3 Supplement: Kailangan mo ba uminom nito?

Ikaw ba ay isa sa mga nalilito kung ano at para saan ang Omega-3 supplement? Matagal mo na bang pinag-iisipan kung dapat mo nga ba itong pag-kagastusan?

Ang omega-3 or omega-3 fatty acids ay isang klase ng polyunsaturated healthy fats. May iba’t-ibang klase ng omega 3 fats ngunit ayon sa mga pag-aaral, ang EPA (eicosapentaenoic acid) at DHA (docosahexaenoic acid) ang klase ng omega 3 fatty acid na maraming naidudulot na health benefits. Narito ang listahan ng mga health benefits ng EPA at DHA ayon sa mga pag-aaral (1):


EPA and DHA can help with:

  • High blood pressure

  • High blood triglycerides

  • Blood vessel dysfunction

  • Abnormal heart rhythms

  • Heart disease

  • Inflammatory conditions like arthritis

  • Some (childhood) allergies

  • Metabolic disease (fatty liver)

  • Psychiatric conditions

  • Mild learning disorders in children (ADHD)

  • Cognitive decline

  • Some cancers

  • Muscle wasting in older people and in disease

Ngunit importanteng malaman ninyo na mababa ang kakayahan ng ating katawan na i-manufacture ang EPA at DHA . At ang pag-consume ng mga pagkaing mayaman sa EPA at DHA ay isang paraan upang makamit ang pang-araw araw na pangangailangan natin para sa mga sustansyang ito.

Ayon sa mga eksperto, ang recommended intake ng EPA at DHA ay from 250mg to 1 gram per day.

So, pwede bang omega-3 supplement nalang ang i-consume mo kung hindi ka nakakakain ng mga pagkaing mayaman sa EPA at DHA? Pwede naman. Dahil may mga studies narin na nagsasabi na ang fish oil supplementation ay nagdudulot ng omega 3 fatty acids EPA at DHA incorporation sa cell membranes (2).


Sundan ang mga sumusunod sa pagpili ng omega 3 supplement:

  1. Tignan mabuti ang EPA + DHA dose kesa sa total “fish oil” or “omega-3” dose.

  2. Siguraduhin na ang total EPA + DHA content ay nasa 250mg to 1000mg per dosage at inumin ito kasabay ng inyong main meal.

So ngayon mga friends, alam niyo na kung para saan ang omega 3 at alin ba talaga sa mga omega 3 fats ang importante at kailangan ng ating katawan. At bilang panghuling advise, mas i-prioritize parin ninyo ang food sources ng EPA at DHA para may ibang mga sustansya pa kayong makuha kasama ng omega fats na ito.


Kung kayo naman ay currently na nag-tetake ng omega 3 supplements, sa mga pagkakataong kumain kayo ng fatty fish ay pwede nyo narin i-skip ang supplement dose ninyo for the day.


References:

(1) Kaur, N., Chugh, V., & Gupta, A. K. (2014). Essential fatty acids as functional components of foods- a review. Journal of food science and technology, 51(10), 2289–2303.

(2) Gerling, C. J., Mukai, K., Chabowski, A., Heigenhauser, G., Holloway, G. P., Spriet, L. L., & Jannas-Vela, S. (2019). Incorporation of Omega-3 Fatty Acids Into Human Skeletal Muscle Sarcolemmal and Mitochondrial Membranes Following 12 Weeks of Fish Oil Supplementation. Frontiers in physiology, 10, 348.

73 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comments


bottom of page