Madalas na pino-promote ngayon ang pag-gamit ng natural foods to promote sports performance and recovery. At pag dating sa hydration, isa sa magandang alternative ay ang coconut water. May mga nagsasabi na mas ok daw ito kesa sports drinks kasi naturally sourced at meron din carbohydrates and electrolytes tulad ng sa mga sports drinks.
Pero totoo nga ba ito, na mas ok ang coconut water as sports rehydration beverage compared to sports drinks?
Alam naman natin lahat kung gaano ka importante ang pag rehydrate regularly lalo na sa mga taong matindi ang pagpapawis sa tuwing nag e-exercise. Ang main purpose talaga ng isang rehydration beverage para sa mga taong nag-e-exercise ay:
Thermoregulation
Fluid replacement
Electrolytes replenishment
Energy provision
So base sa apat na criteria na ito, kaya ba ng coconut water na maging effective sports drink replacement? Ikumpara natin ang isang commonbrand ng coconut water versus a common brand ng isang sports drink
Makikita na may konting ipinag kaiba ang kanilang carboydrate percentage at sodium content pero napaka-laki naman ng difference sa potassium content.
In general maaring gamitin ang coconut water as a rehydration beverage dahil nakita sa pag-aaral na parehas lang ang effect nito with water pagdating sa rehydration.
Ngunit sa mga pagkakataong energy depleting, dehydrating, at more than 1 hour ang exercise tulad ng sa mga athletes, mas mainam na gamitin ang sports drinks as a rehydration beverage dahil sa higher carbohydrate at sodium content nito.
Nakakatulong ang mga ito para magbigay ng additional energy habang nag-eexercise at mas lalong ma-retain ang fluids sa katawan lalo na kung higit sa 2% ng body weight ang nabawas matapos ang exercise dahil sa fluid loss.
Tandaan na mas maraming sodium ang nawawala sa katawan kesa sa potassium pag ang isang tao ay nagpapawis dahil sa heavy exercise. Ang pag-consume ng sapat na amount ng sodium ay makakatulong din para mas maabsorb ng mabuti ang carbohydrate na nasa sports drinks lalo na kung kailangan ng energy source during exercise or kailangan ng madaliang pag replenish ng energy stores sa muscles at fluids sa katawan.
Importante din na malaman niyo na ang mga sports drinks ay properly formulated as a rehydration beverage.
Samantalang ang content ng coconut water naman ay nagiiba-iba base sa maturity o pagkahinog ng coconut na pinagkuhanan ng juice.
So in summary, for general rehydration or recreational athletes or for lighter training sessions, pwede na ang coconut water. But for longer duration, energy depleting and dehydrating exercise session, it is best to rehydrate with sports drinks.
References:
Disclaimer:
All information shared in this post are for general education purposes only. Consult a licensed health professional if you have specific nutrition, health, and medical concerns.
Comments