top of page

No Rice Diet? What about your other Carb sources?

Karamihan ng mga nonathletes (at minsan kahit mga athletes) na nagco-consult sa akin ay nagtataka kung bakit hirap na hirap parin silang mag-bawas ng timbang sa kabila ng pag-alis ng RICE sa kanilang diet.

At kapag kami ay nag-diet history assessment na, laking gulat nila nang ma-realize na madami din pala silang nakakain na RICE EQUIVALENTS— o yun mga pagkain katumbas din ng kanin.


Masasabi kong ang isa sa pinaka-nakakaaliw na narinig ko mula sa isang cliente ay ang hindi pagkain ng kanin sa lunch at dinner ngunit halos maubos nya ang isang loaf ng thick slice ng tinapay sa isang araw. Maski man sya ay nagulat at natawa nalang sa na-realize nya . Pero ang maganda nito, dahil sa review na ginawa namin ay:

  1. Na-realize nya na sobra sobra pala ang kinakain nya.

  2. Natutunan nya ang iba’t-ibang sources ng carbohydrates at mga pamalit sa rice na present sa day to day diet nya at

  3. Naintindihan nya na hindi naman pala dapat alisin ang kanin sa regular diet ng isang nagbabawas ng timbang basta’t sapat lang ang portions na kinakain sa bawat meal.

Narito ang mga common RICE EQUIVALENTS na makikita sa usual daily diet nating mga PILIPINO. Tandaan na kung nais nating mag-papayat ay kailangan natin maging mindful sa serving portions ng ating kinakain at hangga’t maari ay piliin ang whole and minimally processed foods.


Please also watch (and take time to subscribe) on my YouTube channel my comparison on the different types of rice here:

Reference: DOST-FNRI FEL

See Less

229 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comments


bottom of page