Gustong-gusto talaga nating mga Pinoy na maging matangkad ‘no? Kasi sa tuwing may mga magulang na nag-co-consult sa akin para sa nutrition program ng kanilang mga anak, tyak na isa sa major nutrition goals ay matulungan tumangkad ang bata.
Naalala ko tuloy nung bata ako, laging may pinapainom sakin na vitamins na kailangan ko daw inumin yun para tumangkad ako. And nearly 4 decades later… ito parin ang diskarte ng karamihan ng mga mommies sa kanilang mga anak— religious vitamin and mineral supplementation to maximize growth potential. Oh by the way, na-achieve ko po yung height potential ko na 5 feet, maski tumatalon ako pag new year’s eve.
So ano nga ba talaga ang totoo? Nakakapag-patangkad nga ba talaga ang mga vitamins supplement?
Una sa lahat, kailangan natin unawain na matindi talaga ang desire nating mga Pilipino na tumangkad dahil sa associated societal and economic benefits ng pagiging matangkad… sabi nga, ang MATANGKAD BIDA! Alam ng lahat na kahit paano ay may katotohanan sa statement na ito. Taller people TEND TO HAVE better pay thus have higher chances for overall career success. Kung kaya’t ganun nalang ang pag-hanga natin sa mga basketball players at mga beauty queens. Bakit sa tingin ninyo bawat sulok ng communities natin ay may basketball court at sa kabilang banda naman ay bentang-benta din ang mga make-up tutorials sa youtube. Divahhhh…
Pangalawa, kailangan natin tandaan na ang maximum height na maaring ma-reach ng isang tao ay base sa “growth potential” na meron sya. This is highly influenced by our genes— kung nasa lahi ninyo ang pagiging matangkad— and by nutrition.
As a Performance Nutrition Coach of a PBA Team (na ngayon ay nasa semis na sa ay itinanong ko narin yan sa ilang home-grown PBA players… kung uminom ba sila ng Ch****er o di kaya lumantak ng S**r Ma*g*r**e nung bata sila kaya tumangkad sila ng ganun. At lahat sila ang sagot ay… secret lang ha … hindi daw…
PERO MAHILIG SILA SA GULAY, ISDA, MANOK, MINSAN KARNE… alam nyo na, yung pagkaing probinsya
So going back, to the original question, NAKAKATANGKAD BA ANG VITAMINS SUPPLEMENTS? Ang sagot ay IT DEPENDS.
YES MAARI ITONG MAKATULONG kung:
ito ay may zinc, Vitamin D, Vitamin A, some B-vitamins, and Iron. Ito ang mga vitamins and minerals na sinasabi ng mga pag-aaral na may malaking impluwensya sa growth and development ng isang bata at kung saan kalimitang mababa ang intake, lalo na kung mapili sa pagkain ang inyong anak.
ito ay may appetite stimulant (take note: dapat ito ay inirereseta ng doctor). Isang malaking factor para maging consistent ang pag-tangkad ng isang bata ay ang SAPAT NA PAGKAIN ARAW-ARAW. Meaning kailangan makuha ng inyong mga anak ang (a) total daily CALORIES required considering the child’s needs for normal growth and development and additional calories needed for physical activity if the child is an athlete, (b) sufficient PROTEIN for muscle building, (c) calcium for bone growth. So kung mahina kumain ang bata, sabay mapili pa sa pagkain, ay talagang mahihirapan na ma-meet ang nutrient requirements na nagsisilbing building blocks ng katawan para sa paglaki.
On the other hand, pag lumakas kumain ang bata at ito ay sinabayan pa ng energy and nutrient-dense food intake ay mas lalong masusuportahan ang paglaki ng inyong mga anak.
Sa kabilang banda, HINDI NAMAN ITO MAKAKATULONG kung:
(Sorry ) Wala sa lahi ninyo ang pagiging matangkad
Kulang parin ang total calories na pinapakain ninyo sa bata
Puro “junkfoods” or poor nutrient quality ang ibinibigay ninyong pagkain sa inyong mga anak.
Side note: malaking tulong din sa pag-tangkad ang regular physical activity ng mga bata
In summary, achieving maximum height potential is a complex interplay between many factors such as genetics, nutrition, and environment (i.e. opportunities for physical activity). The real reason why GROWTH vitamins and mineral supplements are a hit to us Filipinos is because it offers everyone a HOPE IN A BOTTLE.
Comments