top of page
Larawan ng writerCoach Jeaneth Aro

Masama ba sa Kidneys ang High Protein Diet?

Out of concern, may ilang tao at maging health professionals ang nagbibigay babala patungkol sa pag-consume ng isang high protein diet dahil ito daw ay masama at maaring makasira ng kidneys.

Kung kaya’t may ilang mga athletes at mga active healthy individuals ang naguguluhan at natatakot dahil baka ito nga ay totoo. So totoo nga ba?

Sa katotohanan at base sa mga pag-aaral, ang pagsunod sa isang protein-restricted diet ay makakatulong sa mga taong may problema o may sakit sa kidneys. Take note: SA MGA TAONG MAY SAKIT SA KIDNEYS.


Ngunit, hindi ibig sabihin na ang recommendation na ito ay applicable din sa mga athletes at mga active healthy individuals. Ayon sa report ng World Health Organization on protein intakes, it was noted that “the suggestion that the decline of glomerular filtration rate that occurs with advancing age in healthy subjects can be attenuated by reducing the protein in the diet appears to have no foundation”.

At sa katunayan napakarami narin mga scientific studies na ginawa ang mga experts on protein research na nagsasabing walang naidudulot na masamang epekto ang pagconsume ng isang high protein diet that is 2.5-3.3g/kgBW/d sa kidneys at maging sa kidney function ng mga healthy active individuals.

Which means ang advise to lower protein consumption para sa mga taong may problema sa kindeys at ang assumption na masama ang high protein diet sa kidneys ay hindi totoo or hindi applicable para sa:

  1. mga taong healthy o walang iniindang sakit

  2. mga active individuals lalo na yung mga nag-weight training at

  3. mga athletes lalo na yung kailangan magpababa ng body fat

Para sa population segment na nabanggit ko, dapat nyo rin tandaan na laging siguraduhin na quality protein foods ang inyong kinakain, na may sapat at hindi sobra-sobra ang fat content upang magkaroon parin ng space sa inyong diet para sa adequate quality carbs intake that will help you achieve maximum exercise performance lalo na kung kayo ay nagpapababa ng body fat.

References:

  1. World Health Organization, Technical report series 935. Protein and amino acid requirements in human nutrition: report of a joint fao/who/uni expert consultation. 2011.

  2. Jäger et al. Journal of the International Society of Sports Nutrition (2017) 14:20

  3. Sports Med (2014) 44 (Suppl 2):S149–S153 DOI 10.1007/s40279-014-0254-y









36 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comments


bottom of page