Minsan mo na bang nakita sa packaging ng ilang mga food items sa grocery na may tatak na "organic"? Ano ba ang ibig sabihin pag sinabing organically grown ang isang food product? Mas masustansya ba ito?
Narito ang ilang compilation ng mga questions na itinatanong sa akin tungkol sa mga organic foods.
Q: Ano ang masasabi mo sa organically grown foods?
CJA: "Maganda siguro kung ma-define muna natin kung bakit tinatawag na organic ang isang pagkain. Pag sinabi natin organic ang isang pagkain ay ito ay isang produkto ng isang farming system na umiiwas sa pag gamit ng man-made fertilizers, pesticides, growth regulators at ng mga livestock feed additives. Ipinagbabawal din ng organic legislation ang pag gamit ng kahit anong uri ng genetically modified organisms o GMOs. In short, if food is grown or farmed in its natural state with little to no human intervention, eto ay masasabi nating organic."
Q: E di mas ok nga ang organic food kung ganun. Dahil sigurado tayo na safe tayo from chemical contaminations sa mga kinakain nating pagkain. Tama?
CJA: "Tama naman dahil may mga pag-aaral na nagsasabing mas bumababa talaga ang exposure sa pesticides and iba pang antibiotic-resistant bacterias. Pero may mga pag-aaral din naman na nag-papatunay na kahit sa regular farmed foods and produce ay hindi din naman lumalagpas sa safety limits ang exposure natin."
Q: At dahil sa ang organic foods ay “free” from chemical contaminations, ito din ba ay nakakatulong sa mga taong gusto mag lose ng weight?
CJA: "Magandang tanong yan dahil ang daming confused kung ano ba ang pakay nila sa pag consume ng ORGANIC FOODS. Preferred ba nila ang organic dahil gusto nila umiwas sa pag consume ng chemicals o dahil ba gusto nila ma-manage ang kanilang weight? Kaya kailangan natin i-contextualize ang pag consume ng organic foods in relation to weight management.
Tandaan natin na ang organic at hindi organic ay parehong pagkain lamang. Ang ibig sabihin nito ay pareho lamang ang calorie content ng organic at hindi organic. So ang isang organically grown chicken ay parehas lang ng calories ng isang chicken na conventionally grown."
Q: So hindi pala totoo na kapag organic ang isang pagkain ay less calories ito?
CJA: "Korek! Actually, may mga pag-aaral na nagsasabing na people tend to over consume organic foods because they believe it contains fewer calories and is perceived to be healthier. Nung isang araw nga lang, sabi nung isang kumonsulta sa akin na gustong mag-papayat ay nakakaubos daw sya ng isang bar ng ORGANIC, VEGAN DARK CHOCOLATE. At nung chineck ko ang nutrient content nung kinakain nyang brand, ayun sobrang taas din sa sugar!"
"Alam mo naman ang mga tao na kapag nakita nila na meron label na “non-fat, gluten free, low sodium, transfat free, vegan” ang isang produkto e kakainin nila ito ng walang pakundangan. Meron false sense of healthiness! Ganun din ang mga produkto na meron tatak na “Organic”. So bili sila ng bili at kain ng kain ng organic foods without considering the overall caloric contribution of it hence, leading to weight gain. Which is already contrary to their primary objective of weight loss."
Q: Ikaw bilang isang nutritionist-dietitian, would you personally prefer to go organic?
CJA: "Sa totoo lang, going organic is the best option if you want peace of mind that the foods you are eating are responsibly grown, chemical free AND SIYEMEPRE IF you have the budget. Tandaan na ang organic foods ay mas mahal. Para sa akin personally, and probably I speak for most people, deal breaker talaga ang cost. At kung WEIGHT MANAGEMENT ANG GOAL natin, dapat ito ay clear, realistic, and sustainable. Hindi yung dahil nadala lang tayo sa trend."
Comments