Ang lemon water ay kilalang iniinom ng mga taong nagpapayat lalo na yung nag-undergo ng “detox or juicing diets”.
Sa diet na ito ay binabawasan ng husto ang pagkain ng solid meals at pinapalitan ng maraming fruits and veggies at liquids— usually kasama ang pag-inom ng lemon water (na minsan ay may kahalong ibang ingredients).
Hindi maikakaila na nababawasan naman talaga ang timbang ng mga sumusunod sa ganitong diet, pero ang initial weight loss na ito ay halos dahil sa nabawasan sila ng water weight at hindi masyado sa body fat. Ito ay kalimitang epekto ng biglaan at labis na pag-bawas sa carbohydrate intake (usually pag nag-no rice diet or low carb diet).
Ang carbs ay naitatago/naitatabi ng ating muscle at liver (glycogen ang tawag dito) kasama ng tubig sa katawan. 3 grams of water binds with 1 gram of glycogen (1). So, pag inalis ang carbs, walang glycogen na maiipon at ang glycogen stores sa katawan ay mauubos sa loob ng 1-2 days kasama ng malaking water weight loss. Ngunit once na kumain ka ulit ng normal, ang timbang na ito ay babalik lang din. At kung sakali man na ang detox diet with lemon water ay tinuloy-tuloy pa, ang timbang na nawawala mula sa body fat at muscle ay dahil sa malaking bawas sa food or total energy or calorie intake.
At para sa marami, lalo na yun hindi mahilig uminom ng tubig, ang paglalagay ng lemon slices sa tubig ay nakakatulong upang madagdagan ang kanilang daily water intake. May ilang pag-aaral na nagsasabi na ang paginom ng tubig bago kumain ay maaring makatulong upang mabawasan ang dami ng pagkain na maco-consume sa main meals sa mga middle aged at older adults (2, 3).
So ibig sabihin, ang talagang dahilan ng pagpayat or bawas timbang ay ang sapat na pag-inom ng tubig at hindi yun lemon na dinagdag sa tubig .
Kung nakakatulong sa inyo ang paglalagay ng lemon para mas dumami ang water intake, wala naman masama dito. Ang lemon ay healthy tulad lang din ng iba pang prutas.
References:
Comments