top of page

Gluten Free Craze: Kailangan ba o Pa-Uso lang?

Ang gluten-free diet ay ang isa sa mga popular weight loss diets. Ito ay ang pag tanggal ng mga food items na may gluten. Ang gluten ay ang storage protein na madalas na nakikita sa mga grains tulad ng wheat, barley at rye (1). At ang gluten-free diet ay recommended as part of nutritional therapy para sa mga taong may celiac disease o non-celiac gluten sensitivity.

Ang Celiac disease (CD) ay isang autoimmune disorder na nakaka-apekto sa 1% ng population. In celiac disease, the body mistakenly harms itself and can damage the intestines causing symptoms such as abdominal pain, diarrhea, unintentional weight loss, and constipation.


Ang ibang symptoms tulad ng iron deficiency, anemia, osteoporosis, infertility, headaches at ang unexplained growth failures sa mga bata ay maaari din mangyari (2). Sa kabilang banda naman, ang non-celiac gluten sensitivity (NCGS) ay makikita sa mga taong walang celiac disease pero nakakaranas ng ginhawa sa mga nabanggit na symptoms matapos alisin ang gluten sa kanilang diet.

Dati rati, ang mga taong meron CD lang ang sumsunod sa isang glute-free diet (GFD). Ngunit sa ngayon, maraming mga taong sumusunod sa diet na ito maski hindi sila nakakaranas ng symptoms matapos maka-consume ng gluten. Madami kasing celebrity na nag po-promote nito as a healthy diet for weight loss. Sa katunayan, ang diet na ito ay sikat din maski sa mga non-celiac athletes at ito pa ay nabansagang “special diet” para sa mga endurance athletes. Their decision to follow a GFD was “often not made based on clinical recommendations, but mostly as a result of a self-diagnosed gluten issue” (3).


Although maituturing ito na isang weight loss diet, ang pag sunod sa GFD ay maaaring mag cause ng weight gain (2). Ang mga pre-packaged process gluten-free foods ay kadalasan mataas sa calories, sugar, at fats ngunit mababa sa nutrients. At base sa isang pag-aaral, napatunayan nga na mataas nga ang sugar at mababa ang fiber at mineral intake sa gluten free diet (4).

WHICH MEANS, FOLLOWING A GLUTEN-FREE DIET WITHOUT PROFESSIONAL SUPERVISION MAY DO MORE HARM THAN GOOD. Because of this, experts advise that it is for one’s own safety NOT TO EXPERIMENT on following a gluten free diet especially if there is no proper testing conducted for CD.

Kung weight loss ang inyong goal, siguraduhin na kumain ng tulad ng patatas imbes na mga pre-packaged processed gluten free food products dahil:

  • ang patatas ay natural na gluten-free at less calorie dense compared sa ibang carbohydrate sources (110kcal per 1 cup boiled potatoes or 148g potatoes with skin on)

  • maaaring makatulong ang patatas sa satiety, o yung pakiramdam ng pagkabusog matapos kumain.

  • kumpara sa ibang carbohydrate food sources, ang patatas ay may kakayahan na pumigil sa pagkagutom.

  • mas maraming essential vitamins and minerals ang patatas kumpara sa spaghetti or brown rice (compared on a per serving basis).

  • meron beneficial effects ang patatas tulad ng cholesterol lowering, anti-inflammatory, antiallergic at anti-pyretic effects.

  • meron fiber at resistant starch ang patatas na nakakapag-promote ng gut health.

Laging tandaan na ang popularity ng isang diet ay hindi patunay na ito ay para sa iyo. Kahit gaano pa ka simple ang isang nutrition regimen, importante parin na ma contextualize ang gamit nito para sa iyo… FRIEND


References: (1) doi: 10.1155/2019/2438934 (2) doi: 10.2337/ds16-0022 (3) doi: 10.1123/ijsnem.2013-0247 (4) doi: 10.1111/j.1365-2036.2010.04386.x


Full disclosure: This post was sponsored by Potatoes USA-Philippines, but all opinions stated above are my own.

18 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comments


bottom of page