Maraming mga athletes at mga regular gym goers ang naghahanap ng kung anu-anong supplements para ma-enhance ang kanilang muscle growth and recovery. Ang isa sa mga supplements na ito na nasa spotlight ngayon ay ang glutamine.
Ngunit totoo ba ang mga claims nito? Sa article na ito ay ihe-share ko ang role nito sa muscle building and recovery, at magbibigay din ako ng mga specific scenarios kung kailan ito effective. Ipapaalam ko din sa inyo ang mga pros and cons ng pag gamit nito para maging informed kayo kung dapat niyo ba itong gamitin.
Ang glutamine ay isang non-essential amino acid na bumubuo sa halos 60% ng free amino acids sa loob ng muscle cells. As a non-essential amino acid, ibig sabihin nito ay kaya itong gawin ng ating katawan mula sa ibang amino acids na nakukuha sa ating diet.
Ngunit, sa mga pagkakataong may stressful situations tulad ng sustained exercise, trauma or starvation, ang glutamine ay nagiging conditionally essential amino acid dahil nagiging challenging ang rate of production ng glutamine kumpara sa demands ng katawan kung kaya’t ito ay kinakailangan idagdag sa diet in sufficient amounts.
Ang ilan sa roles ng glutamine sa ating katawan
Ang glutamine, tulad ng iba pang amino acids ay nakakatulong upang ma-maintain ang isang anabolic environment. Ito din ay nakakatulong upang mabawasan ang inflammatory response o muscle soreness matapos ang eccentric exercise.
Ayon sa isang pagaaral na ginawa sa mga professional athletes, ang pag-supplement ng glutamine every morning at 6 grams for 20 days ay nakakapag-pababa ng blood markers ng muscle damage matapos ang isang strenuous exercise compared to placebo.Â
But, whether glutamine supplementation has a stimulating effect on muscle protein synthesis still needs further research.Â
So kung ikaw ay isang athlete at ang training mo ay heavy or intense at long duration tulad ng mga endurance athletes, maaring i-consider ang pag-take ng glutamine supplement, lalo na kung hindi sapat ang protein intake dahil maaaring makatulong ito sa muscle recovery and immune function.Â
Pwede din ito sa mga atletang sumusunod sa isang calorie or carbohydrate restricted diet dahil maaaring makatulong ang glutamine supplementation sa carbohydrate metabolism. Halimbawa nito ay yung mga nagbabawas ng timbang para sa isang competition tulad ng mga combat sports.
Ngunit sa kabilang banda naman, kung sapat ang iyong protein intake, meaning nasa 1.6g/kg body weight, or ikaw ay isang recreational exerciser lang meaning low intensity ang exercise sessions ay hindi mo na kailangan ang glutamine supplementation.
Also take note din na kulang pa ang mga evidences na sumusuporta sa mga benefits ng glutamine supplementation in terms of muscle building. Hindi conclusive ang mga evidences at nag iiba-iba ang response ng mga tao sa glutamine supplementation. May mga reported cases din na pag masyadong mataas ang dosage nito ay maaaring mag cause ng gastro intestinal discomfort tulad ng bloating o diarrhea. At siyempre may kamahalan din ang supplement na ito kumpara sa ibang amino acids o protein powders.Â
So friends bago mo isama ang glutamine supplementation sa iyong sports nutrition program ay i-consider niyo muna ang inyong training goals, dietary habits, at siyempre yung budget niyo. Kasi baka hindi naman ganun ka intense ang exercise sessions niyo at nakukuha niyo naman ang lahat ng protein needs niyo sa pagkain.Â
At tulad ng ibang supplements, mas mainam na kayo ay kumunsulta muna sa isang healthcare professional or sa isang qualified dietitian bago kay gumamit ng kahit anong supplements lalo na kung meron kayong existing health and medical condition or kung kayo ay isang national or professional athlete na sumasailalim sa anti-doping testing.
Referece: Nutrients 2021, 13, 2073. https://doi.org/10.3390/nu13062073Â
Komentarze