Can Bananas really help with Muscle Cramps?

Para sa mga nag-eexercise, isa sa nakasanayang go-to preventive measure or “treatment” ng cramps ay ang pagkain ng saging. Pero ano nga ba ang sinasabi ng maka-bagong pag-aaral tungkol sa management ng cramps?

Ang exercise-associated muscle cramp (EAMC) ay temporary but intense and painful involuntary contraction of the skeletal that may occur during or soon after a period of physical activity (1). At sa mga severe cramp attacks, this can lead to significant limitation in movement of the affected body part, especially pag sa leg part nangyari. May mga cases din na ang muscle pain ay tumatagal ng ilang oras o araw kahit na-resolve na ang actual na cramps.

At sa totoo lang mga friends, wala pa talagang concrete treatment para sa EAMC primarily because of the unpredictability of its occurrence hence making it difficult for sports scientists to study.

So far ang isa sa traditional recommendation para maiwasan at pagalingin ang cramps ay ang pag-consume ng saging dahil daw sa ito ay mataas sa potassium. Ngunit ayon sa mga makabagong pag-aaral tungkol sa EAMC ang potential causes nito ay (2):

  1. abnormal spinal reflex activity secondary to fatigue

  2. disturbances in water and salt balance

For nutrition-related cramping risks, may ilang ebidensya mula sa mga pag-aaral na nagsasabing mas mataas ang risk for muscle cramps ng mga athletes na bumababa ang sodium level sa katawan, sa pamamagitan ng mataas ns sodium loss sa pawis (3, 4) lalo na pag mainint at hindi napapalitan ang nawalang electrolytes or pag sobra-sobra ang tubig na naiinom.

Take note na ang sodium ay ang major electrolyte outside of the cell at ang potassium naman ay ang major electrolyte inside the cell. At pag may signal na for muscle contraction mula sa ating utak ay pumapasok sa loob ng muscle cell ang sodium kasabay ng paglabas ng potassium. Ito ay [[tinatawag na sodium-potassium pump na ]] isang napaka-importanteng mechanism for the second-to-second phenomenon of muscle contraction (5).

At sa mga pag-kakataong may imbalance sa hydration at electrolyte level, ang pag-inom ng simpleng tubig lamang ay kulang na solusyon upang iwasan o maagapan ang pagkakaroon ng cramps dahil kailangan din na mapalitan ang electrolytes na nawala sa pawis.

At kung ang existing scientific evidence ang pagbabasehan, medyo malabo na saging ang solusyon dahil sa kakulangan nito sa tamang fluids at electrolyte content na syang kailangan palitan during exercise.

Sa totoo lang, marami pang gaps sa kaalaman ng mga eksperto patungkol sa cramps. Kung bakit at paano ito nangyayari at anong mga exact strategies and dapat gawin para maiwasan or pagalinging ang cramps. Sa ngayon ang nabanggit ko ay isa lang sa mga potential strategies in managing cramps. At para sa mga taong naniniwala or nakakaexperience ng pag-galing ng cramps dahil sa saging, malamang ito ay placebo effect.


You can watch the video version of this article here:

References:

  1. https://doi.org/10.1007/s40279-019-01162-1

  2. SSE #200

  3. Stofan JR, Zachwieja JJ, Horswill CA, Murray R, Anderson SA, Eichner ER. Sweat and sodium losses in NCAA football play- ers: a precursor to heat cramps? Int J Sport Nutr Exerc Metab. 2005;15(6):641–52.

  4. Horswill CA, Stofan JR, Lacambra M, Toriscelli TA, Eichner ER, Murray R. Sodium balance during U.S. football training in the heat: cramp-prone vs. reference players. Int J Sports Med. 2009;30:789–94.

  5. 10.1152/physrev.00011.2003.

7 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat