top of page

Brown vs White Eggs: May pinagkaiba ba?

Mas healthy ba ang brown eggs? O nagmumukha lang sosyal dahil mas mahal? I'm sure na habang nasa grocery ka o nasa sa palengke ay napa-isip ka, “Parang mas natural 'tong brown eggs ah… siguro mas healthy rin?” Pero teka lang friend, dahil lang ba sa kulay at presyo, mas nutritious na agad?

Isang tao ang nakaharap, hawak ang puti at kayumangging itlog sa dalawang kamay. Malabo ang background, mukhang neutral ang kulay.

Kung matagal ka nang nalilito kung ano ba talaga ang pinagkaiba ng brown at white eggs—relax lang at wag ma-pressure! Read on para malaman ang egg-saktong sagot na hinahanap mo.



Ang rason kung bakit nagiging brown ang itlog ay dahil sa genes or breed ng manok. May mga manok na sadyang mas mataas ang brown pigmentation na napoproduce sa mga eggs nito. Mas mahal nga lang ang cost of production ng brown eggs dahil mas maraming feeds ang kailangan ng mga brown egg-laying hens, kung kaya mas mahal din ang retail cost nito. At dahil mas mahal, somehow na-“brand” narin na “mas healthy at more natural” ang BROWN eggs.

Pero ang totoo ay parehas lang na healthy and nutritious ang brown at white eggs. Walang significant difference ang kanilang nutrient quality maliban nalang kung mas maganda ang farming environment at fortified with nutrients ang feeds na ipinakain sa brown egg-laying hen. And given na all farming conditions are equal, narito ang kanilang nutrition info base sa USDA Food Composition Database:

Kayumanggeng itlog sa basket at puting itlog sa mangkok. May nakasaad na nutrisyonal na impormasyon sa kaliwa at kanan.

Siyempre alam natin na mas mahal talaga ang brown eggs. Ang 1 dozen na brown eggs ay on average ay P190. Samantalang ang white eggs ay P130 per dozen. And presyo ay naka depende sa laki at brand ng pipiliin niyo. At dahil nga sa mas pricey ang brown eggs, ang iniisip tuloy ng karamihan ay mas healthy ito kesa sa white eggs.


Ano naman ang mga specialty eggs?


OMEGA-3 ENRICHED EGGS:

Ito yun mga eggs na galing sa manok na may high omega-3 diet. Ang omega-3 fats ay may anti-inflammatory at cardio-protective effect ngunit, kalimitang mababa sa diet ng isang tao. Ayon sa mga studies, maaring makapagpataas ng omega-3 levels sa katawan ang pagkain ng omega-3 enriched eggs.


ORGANIC EGGS:

Ito naman yun eggs na mula sa manok na pinakain solely ng organic feeds at hindi binigyan ng antibiotics or hormones. Note: May international legislation ang Food and Agriculture Organization (FAO) of the UN na bawal ang pag gamit ng kahit anong may DES hormones sa animal and poultry farming (AO 194- DOH) So technically speaking, if the poultry farmer is law abiding, WALA DAPAT HORMONES ang kahit anong egg (at poultry). In terms of nutrient content, wala pang proof so far na lamang ang organic eggs sa regular eggs.


CAGE-FREE EGGS:

Ito naman ang mga eggs na galing sa manok na may mas maayos na farming condition, yun hindi sila nakalagay sa masisikip na kulungan at kahit paano ay medyo nakakagalaw. Pero wala din difference masyado ang nutrient quality ng cage-free eggs kung hindi naarawan ang manok di tulad ng free range poultry.


FREE-RANGE EGGS

Ito naman ang eggs na galing sa manok na may mas “malayang” farming set up na kung saan ay mas nasisikatan ng araw ang manok at syang nagpapataas ng Vitamin D content ng free-range eggs.


Ultimately, lahat ng klase ng itlog ay healthy at magandang source ng QUALITY PROTEIN. Para sa akin, kung nagte-take ka naman ngayon ng vitamin and mineral supplement at laging mataas ang intake mo ng fruits and veggies eh hindi na kailangan ng specialty eggs para lang mag-increase ang intake ng nutrients na meron sa kanila. Tandaan, hindi kulay ang sukatan ng sustansya. Sa itlog, pare-pareho tayong winner!




 
 
 

Comments


  • Instagram

ABOUT COACH JEANETH ARO

Jeaneth is a practicing Registered Nutritionist-Dietitian (RND) in the Philippines. She holds a Diploma in Sports Nutrition from the International Olympic Committee.

Coach Jeaneth Aro © 2025. All rights reserved.

JOIN OUR SUBSCIPTION

SUBSCRIBED! THANKS FOR JOINING OUR SUBSCRIPTION.

FOLLOW US

  • Facebook
  • YouTube
  • Instagram
  • Twitter
  • TikTok
bottom of page