Kagabi bago matulog, habang nagbabasa ng libro, tinanong ako ng bunso ko: “Ma bakit ganun? Yun mga characters tulad ng bag at libro— meron silang body parts sa story books na parang mukha silang buhay pero hindi naman talaga sila buhay.”
Story books and cartoon characters are made to look alive and colorful to attract children’s attention. And when used as a marketing tool for food, children associate them with entertainment, fun and good taste (1). Coupled with claims such as “low fat” and “whole grains” in front of the packaging provides more persuading power for parents to buy these food/snack items for their children because of the perception of healthiness of the product.
Pero, pag binusisi natin ang ingredients list and nutrition information, makikita natin na mataas lang din sila sa highly processed or highly refined food ingredients and other additives. At, ang standard 1 cup (30g) portion ng breakfast cereal na hawak ko ay may:
Energy: 113kcal
Carbohydrates: 23g (8.1g ay sugar)
Protein: 2.4g
Fat: 0.9g
Sa totoo lang, iilan lang naman talaga sa atin ang nagsusukat ng portions pag kumakain ng ganitong processed cereals lalo na pag nagmamadali. Kung kaya’t malimit na mas madami pa ang nacoconsume natin na calories mula sa easy and convenient “healthy(?)” breakfast food na ito.
At kung araw-araw ay ganito at uncontrolled portions ang binibigay ninyo sa inyong mga anak or kino-consume ninyo sa umaga out of convenience, ay maari itong maka-contribute sa EXCESSIVE SIMPLE carbohydrates intake na maaring magdulot ng mas mataas na risk for obesity, type 2 diabetes, heart disease and cancer LALO NA KUNG WALA KAYONG PHYSICAL ACTIVITY SA LOOB NG ISANG ARAW.
Ang mga ganitong klaseng pagkain ay mas may silbi sa mga highly active individuals— bata o matanda. Panoorin ang videos kong ito upang malaman kung kailan ito maaring kainin kung kayo ay madalas na nag-eexercise:
Pre-workout fueling:
Post-workout fueling:
At kung hindi talaga maiiwasan ang pag-kain ng processed breakfast cereals tapos hindi naman kayo laging nag-eexercise, which is common to many children and adults today because of the pandemic, narito ang ilang paraan para mas maimprove ang NUTRITION nito:
piliin ang may mas mababang sugar content (5g sugar per serving)
piliin ang may mas mataas na fiber content (3g fiber per serving)
gumamit ng measuring cup or food weighing scale para sukatin ang inyong kakainin at malimit ang calorie intake
dagdagan or parisan ng protein foods ang cereals tulad gatas, yogurt, eggs, or nuts
Ultimately, ang best bet talaga para sa breakfast foods ay whole, minimally processed foods tulad ng kamote or oatmeal, eggs, fruits, milk Pero sa mga pagkakataon na hindi maiiwasan at itong processed breakfast cereals anginyong kakainin, siguraduhin na sundan ang mga tips ko kung paano ito gawin mas healthy at huwag basta-basta mag-padala sa marketing and misleading health claims.
Reference: (1) doi: 10.1001/archpediatrics.2010.300.
Komentar