top of page
Larawan ng writerCoach Jeaneth Aro

Ayaw mong kumain ng Kanin? Patatas ang Kainin!

Matagal nang nalagay sa alanganin ang “image” ng kanin. Ang ilan kasi sa atin ay iniisip na ang rice ang dahilan kung bakit mahirap mag-maintain or mag-lose ng weight.

Pero ang hindi natin nare-realize ay ang sobra-sobrang serving portions nito talaga ang syang nagdudulot ng excessive calorie intake, lalo pa pag ito ay ipinares sa ulam na mataas din są fat at sodium tulad ng adobo na may ubod ng dami ng mantika sa sauce or taba sa pork. At, ang ganitong klaseng eating pattern ay mabilis na makapagpa-dagdag sa ating timbang lalo na pag madalas natin itong ginagawa.

Kung kaya’t ang pag-alis ng rice (or “carbs”) sa diet ang syang common na approach na ginagawa ng karamihan, lalong lalo na yung mga nagsisimula palang sa kanilang weight loss journey.

At sa katotohanan ay hindi natin maitatanggi na ang pag-alis ng rice/carbs sa diet ay agarang nakakapag-pababa ng timbang. Ngunit kalimitan ito lamang ay temporary weight loss o hindi pang-matagalan dahil karamihan sa timbang na unang nawawala ay water weight lamang. Para sa mga active individuals tulad ng athletes at regular exercisers, ang pagsunod sa isang restrictive at unbalanced dietary regimen ay nagdudulot ng mabilis na pagkapagod, pagka-hilo at pananakit ng ulo. Maari din itong maging sanhi ng pagkakasakit para sa ilan.


Ang isang paraan upang ma-manage ang dami ng calories at food intake para mag-lose or para ma-maintain ang weight ay ang pag-consume ng mga pagkain na nakaka-busog or “satiating” pero mas mababa ang calorie content per serving habang binabawasan din sa diet ang high energy density foods.


At kung sa tingin ninyo na ang pag-alis ng kanin ang syang pinaka-madaling paraan upang makaiwas sa temptation na kumain ng marami at makabawas sa overall calorie intake, mainam na ang carbohydrate portion na mawawala dahil dito ay mapalitan ng ibang whole food rice substitute.

Ang patatas ay mainam na pamalit sa rice dahil sa ito ay:

  • mas nakakabusog

  • mas nakakapagpa-delay ng feeling ng pagkagutom kumpara sa polished rice o refined bread

  • marami essential vitamins and minerals on a per serving basis kumpara sa spaghetti, brown rice or whole wheat bread

  • may beneficial effect sa kalusugan tulad ng cholesterol lowering, anti-inflammatory, antiallergic and anti-pyretic effects

  • may fiber at resistant starch makakatulong sa gut health

Take note lang din na ang 1/2 cup ng rice ay katumbas ng 1-1/3 cups ng patatas.

So, kung weight loss at weight maintenance ang goal mo at nahihirapan kang mag-control sa dami ng rice na nakakain mo, ang patatas ay magandang pamalit sa kanin dahil maliban sa carbohydrates ay marami din itong iba pang nutrients na makakatulong sa overall health.


Full disclosure: This post was sponsored by Potatoes USA-Philippines but all opinions stated above are my own.

37 view0 komento

Comentários


bottom of page