Isa sa mga marketing strategies ng karamihan ng mga supplement brands and companies ay ang pag-gamit ng term na “sports nutrition”.
Sa totoo lang mga friends, sa tingin ko ay hindi naiintindihan ng maraming tao ang salitang “sports nutrition supplement”. Iniisip kasi ng karamihan ay ito na ang susi sa kanilang fitness, exercise, or performance goals. Pero actually, sports nutrition supplements are nothing but mere icings on the cake. And the truth is, many active individuals can live, achieve their goals, and perform optimally even without it.
Sports nutrition in its most literal sense is basically about taking advantage of macronutrients, vitamins, minerals and ergogenic aids that may come from whole foods, sports foods, or convenient supplements in order to maximize sports and/or exercise performance.
And to “take advantage” of these nutrients means to use them not only as sources of calories or energy but rather to strategically consume them to directly or indirectly enhance exercise performance such that of using macros to act as signaling molecules to enhance training adaptations.
Hindi po tama na isipin natin na mas higit ang benefits na makukuha natin sa supplements kumpara sa isang whole foods based nutrition regimen. Maaring gumamit ng mga ergogenic aids and sports nutrition supplements kung talagang hindi na kayang ma-achieve ang goals mo sa pamamagitan ng sapat na pagkain.
Ngayon, patungkol sa pag-gamit ng AMINO supplements, or yung mga isolated amino acids in tablet or capsule form, IN MOST SITUATIONS, with respect to exercise and performance nutrition, ay hindi po ninyo ito kakailanganin. Kahit ito pa ay may kumpletong 2,222mg amino acid content.
Sa totoo lang, ang tunay na nakaka-laki ng muscle ay weight training. At ang sapat na protein intake after a weight training session and through out the day helps in maximizing muscle gain. Ang mga whole protein foods or protein supplements kung convenience ang hanap ninyo, na may sapat na dami ng leucine at essential amino acids ang may pinaka-malakas na epekto sa muscle protein synthesis kapag tayo ang nag-resistance training (1).
Which means kahit na gaano pa kadami ang dosage na sinasabing meron sa isang AMINO tablet or capsule, tanging ang essential amino acids lamang kasama na ang leucine ang talagang may silbi dito kung muscle gain in the context of weight training ang inyong concern.
And, on a more wholistic perspective, maganda din na malaman ninyo na maliban sa amino acids, ay kailangan din natin i-consider ang iba pang chemicals at food components na nag-iinteract sa isa’t isa na maaring makatulong sa iba’t-ibang proceso sa loob ng ating katawan kasama na ang muscle protein synthesis. Which means, hindi lang protein or amino acids ang dapat na tinitignan natin patungkol sa epekto ng tamang nutrition sa muscle gain. Kung kaya’t napaka-importante na dapat ay whole foods ang maging foundation ng inyong nutrition mapa-athlete o hindi dahil sa di hamak na may mas malawak ng benepisyo ang pag-kain ng mga ito higit sa individual nutrient na makukuha natin mula sa mga supplements (2).
Panoorin ang video kong ito upang malaman kung ano ba ang mga kailangan gawin para mag gain ng lean mass.
References: (1) doi: 10.1113/jphysiol.2012.228833 (2) doi: 10.1002/jsfa.8997
Comments