top of page
Larawan ng writerCoach Jeaneth Aro

5 Vital Factors to Evaluate Before Purchasing Supplements

Naglipana ang mga vitamins at supplements ngayon na may kung ano-anong promise. Anjan yung makakatulong sa pag-improve ng kalusugan, makakatulong sa mga gamot na inyong iniinom kung kayo ay may sakit, anjan din yung mga supplements na makakatulong sa sports performance at syempre hinding hindi magpapahuli ang mga supplements na nagbibigay ng pag-asa ng fast or quick weight loss.


To be honest mga friends, nagrereco din naman ako ng mga sports foods, vitamin and mineral supplements and sports performance enhancing supplements sa mga clients ko, however, I don’t do a shotgun approach. 


"I make sure that I only recommend what is needed considering their specific health, weight, and performance goals. And part of my job also is to ensure that the supplements that I’ll recommend are safe, effective, and free from banned substances para sa mga elite level athletes na regular na nagdo-doping test."

So, paano nga ba tayo dapat pumili ng supplements? Anong mga information ang dapat natin binabasa pag tayo ay bibili ng supplements?


Sa totoo lang mga friends, ang pinaka mainam na paraan para makasiguradong safe at effective ang supplement na pipiliin ninyo ay ang pagkunsulta sa isang licensed health professional. Pero sa dami ng mga available products ngayon, minsan ay natutukso tayo na magdesisyon nalang basta para sa sarili natin kung kaya’t madalas ay hindi maiwasang magkamali sa pagbili ng supplement. 


Nandiyan ang mga sinasabing “specialized or superior” multivitamin supplements, mga herbs, extract at botanical supplements, mga isolated vitamin, mineral and amino acid supplements, powdered forms ng fruits, veggies or functional foods, at kung ano ano pa! So kung nag-iisip kayo na bilhin ang latest supplement na nakita ninyo sa socmed ad, narito ang limang bagay na dapat ninyong i-consider:


Number 1: Kailangan mo ba ang supplement na ito?

Sa totoo lang ay ito dapat ang unang unang bagay na kailangan ninyong i-consider. Sa tulong ng isang health professional, mainam na maevaluate kung ang supplement na naiisip ninyong bilhin talaga bang makaktulong sa inyo considering ang inyong current health status, health, weight, or performance goals. Kailangan din i-assess ang inyong eating patterns dahil baka sapat naman ang nakukuha ninyong sustanysa mula sa pagkain at hindi na ninyo talaga kinakailangang ng karagdagang intake mula sa mga supplements. Kasi kung sobra-sobra na, sayang na sa sustansya, sayang pa sa pera!


Number 2: Check for "secret" ingredients

Tignan mabuti ang supplement facts section at pansinin kung meron mga “secret” or proprietary blends or formulas na hindi naka-indicate kung gaano karami ang amount na inyong nacoconsume sa pag-take ng supplement. For example sa mga untested pre-workout supplements, kadalasan ay meron silang mga “prorpietary blends” or yung mga ingredients na pinagsama sama ng manufacturer na sinasabing syang nag-papaimprove ng training or workout performance pero hindi naka-indicate ang exact grams or miligrams ng ingredients nito. So minsan ay yung mga expensive ingredients ang nakahighlight pero yung pala ay kaunting kaunti lang ang laman ng supplement and then yung less expensive filler ingredients ang mas maraami na hindi naman masyadong effective. O di kaya naman ay dahil nga proproetary blend, hindi mo narin malalaman kung yung mga ingredients bang nasa blend na iyon ay safe at walang long term negative health effect. Minsan down the road nalang nalalaman na may bad effect pala sya sa liver or kidneys ng users.


Number 3: May nakasulat bang “Clinically Tested"?

Maging vigilant sa mga supplements na may nakasulat na “Clinically Tested or Contains Clinically Tested Ingredients”.Tandaan na hindi porke’t tinest and isang ingredient ng isang supplement sa isang study ay “clinically proven” narin ang effectiveness nito. Maari din na kahit may “clinically tested or proven ingredient” ang supplement ay hindi naman sapat ang amount na nilalaman nito which may then render the supplement ineffective. So you have to double check the content.


At, sa tulong ulit ng isang licensed health professional ay kailangan natin ulit i-assess kung ito ba ay nararapat para sa ating specific concern. Dahil kahit naglalaman ng clinically tested or proven ingredient ang isang supplement ngunit ito ay hindi naman kailangan ng katawan ay bale wala parin ang supplement na bibilhin mo.


Number 4: May claim ba na “can treat or cure a disease"?

I just want to make it clear that supplements are not legally considered as drugs and cannot claim that it can diagnose, treat, or cure a sickness or disease. At most, what a supplement  may claim is that it “may reduce the risk” of a particular disease. Halimbawa sa mga calcium and vitamin D supplements na talaga naman may strong scientific evidence, nakikita natin ang claims na “may reduce the risk of osteoporosis”.


Number 5: Mag-ingat sa mega-dose content ng mga supplements.

Kung wala naman kayong medically diagnosed nutrient deficiency at kayo naman ay healthy, nakakain ng maayos at may variety ang inyong food selection ay hindi kailangan na mag-take ng mega dose ng vitamins and minerals. I-consult sa inyong doctor or nutritionist kung ano ang recommended nutrient and energy intake para sa inyong gender, age, and life stage or kung ano ang daily value ng isang vitamin or mineral. Sa ganitong paraan ay makasiguradong hindi labis-labis ang makukuha ninyo mula sa supplement para ito ay hindi masasayang o di kaya’s umabot sa toxic level ang inyong nacoconsume.



26 view0 komento

Comentarios


bottom of page