top of page
Larawan ng writerCoach Jeaneth Aro

TRIVIA: Hindi lahat ng home-grown PBA players ay mahilig uminom ng gatas.

Sa mangilan-ngilan PBA players na-handle at na-assess ko, nakakagulat na malaman na madami sa kanila ang either lactose intolerant or sadyang hindi mahilig sa gatas. Lalo na yun mga full-blooded Filipinos na lumaki sa probinsya.

Pero bakit ang tatangkad parin nila??? Ang ilan sa mga bagay na nakakatulong upang ma-achieve ang height potential ng isang tao o bata ay:

  1. Genetical gifting, meaning nasa lahi ang pagiging matangkad.

  2. Ma-subject sa isang environment na kung saan masusuportahan ang growth potential ng bata. Dito pumapasok ang diet/nutrition at physical activity.

Pag dating sa nutrition, dalawang bagay na kailangang tandaan to support growth and development:

  1. Dapat sapat ang daily calorie intake. Considering the needs for extra physical activity at growth and development ng isang bata.

  2. Ma-meet ang requirements for micronutrients that promotes growth and development, kung saan kabilang ang CALCIUM.


And I realized, it did make sense! Hindi man mahilig sa gatas ang ilang mga PBA players na laking probinsya (na nahandle ko), ay mahilig naman sila sa mga pagkaing nasa illustration na ito

So kung nais tumangkad, at NASA LAHI ninyo ang pagiging matangkad, siguraduhin isama sa daily diet ang mga pagkain na ito


NOTE: The calcium content of milk in this post is from 100ml or approximately 1/2 cup of milk. Just do the math if you’re consuming 1-2 glasses per day. (Want to make sure I’m not sending the wrong message here )

7 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comentários


bottom of page