The more sour the fruit, the more the Vitamin C. True?

Naalala ko nung bata ako, sa tuwing sisipunin o uubuhin ako ay lagi akong ipinagtitimpla ng calamansi juice ng lola ko. Sabi nya makakatulong daw ito dahil mataas sa Vitamin C.

At dahil sa ito ang parati kong iniinom dati, na-associate ko tuloy na yun asim ay ang Vitamin C. Hanggang sa nalaman ko na ang techinical term pala sa Vit. C ay “Ascorbic Acid”. Mas lalo tuloy na-reinforce na ang asim dahil sa acid ay ang Vitamin C


Pero totoo nga ba talaga na pag mas maasim ang prutas (tulad ng calamansi) e mataas din ang Vitamin C content? Nung ako’y nag-aaral ng Nutrition, napag-alaman ko na sa katunayan, ang may mataas na Vitamin C content ay gulay at hindi prutas na syang makikita sa graph na ito.

At kung gusto niyong mapataas ang inyong Vitamin C intake nang lalong mapalakas ang inyong resistensya ngayon panahon ng COVID, tingnan lamang ang graph na ito upang magsilbing gabay kung ano ang maaring bilhin sa pangkaraniwang palengke o grocery.


Kung kayo naman ay isang atleta, maaari nyo rin panoorin ang aking youtube video tungkol sa vitamin C supplementation.


4 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat