top of page
Larawan ng writerCoach Jeaneth Aro

Salad lang kakainin ko... DIET ako e...

Ilan sa atin ang ganito kung kumain pag malapit na ang kasalan, ang party-party, at lalo na ang summer kung saan tila mandatory na ata ang “beach body”?


Kamakailan lamang ay nasa coffee shop ako ng isang fitness facility kung saan meron akong client meeting. Sa kabilang lamesa, napansin ko ang isang couple na kakatapos lamang mag-workout tapos kumakain sila ng tag-isang bowl ng salad. Oras na ng hapunan nuon, mga 7:45pm, so naisip ko, naku baka yun na ang hapunan nila. Pero baka assuming naman ako masiyado, kaso hindi naman ito malayong mangyari, diba?


Maituturing natin na ang mga salads ay ang pangunahing “diet food” na kinakain ng mga tao ngayon. Ito man ay gawa sa bahay, galing sa restaurants, o di kaya sa mga meal delivery services, basta nagpapayat, siguradong hindi ito mawawala sa daily food plan ng isang tao.


Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami, HINDI SA LAHAT NG ORAS ay ito ang pinaka-mainam na desisyon na maari nating gawin sa pagkain kapag tayo nagbabawas ng timbang. Narito ang ilan sa mga dahilan:


Be mindful of the dressing you use

Sa litrato ko sa itaas, makikita na itinuturo ko ang dressing. Dahil gusto kong ipakita na maaring napakababa ng calories ng salad lalo na kung ito ay puro gulay lamang ngunit kung hindi tayo magiging maingat sa paglagay or paggamit ng salad dressing ay hindi din tayo talaga makakatipid sa calories. Lalo na kung ang dressing of choice natin ay yung creamy at mayonnaise based. Sa kabilang banda, hindi porke’t vinaigrette dressing ang napili mo ay safe ka na. Dahil kung ito naman ay halos puro mantika na, kahit mamahaling klase pa, ay ganun din, nakakapagpataas lang din ito ng total calorie content .


Coach Jeaneth’s tip: Kung creamy dressings ang type mo, sukatin ang ilalagay sa salad mo. Limitahan sa 1-2 tablespoons lamang ang ilagay na dressing. Kung vinaigrette type naman, alisin muna ang napakaraming mantika sa ibabaw ng dressing at konti lang ang itira saka ilagay sa salad. Kung puro mantika, wag ka na magdressing itodo mo na ang pagda-diet mo friend


A diet exclusively on salad is counter productive

Kung ang game plan mo sa pagpapayat ay puro salad lang ang kakainin mo, wait, mag-isip isip ka muna. Bakit? Oo, alam ko na narinig mo na na HINDI ITO SUSTAINABLE (‘nu ba yan, lage nalang ito ang explanation). Pero bukod jan, pag sobrang baba kasi ng carb at calorie intake natin ay hindi lamang ang excess water at excess body fat ang mababawas sa katawan natin. Maari din na pati ang atin lean muscle ay gamitin ng ating katawan bilang source ng energy (muscle wasting). At ito ay ayaw natin mangyari dahil mas lalo lamang babagal ang ating “metabolism”. Mas mataas ang porsyento ng lean mass sa katawan, mas mabilis ang metabolism, mas mabilis ang metabolism, mas mabilis ang pagpayat.



Coach Jeaneth’s tip: Siguraduhin na laging may sapat na protein food kada meal para maiwasan ang muscle wasting. Mas mabuti din na magdagdag ng isang balanced exercise program na hindi lamang puro takbo. Kailangan meron din weight/resistance training para mapanatili at ma-improve pa ang lean body/muscle composition.



Aside from feeling weak, you will get cranky too

(Last na) Kung talagang gusto mong mag salad lang, pakihanda mo narin yung sarili mo sa nagbabadyang panghihina, umay at cravings sa mga susunod na araw. Dahil matalino masiyado ang katawan natin, malalaman niya na hindi ka kumakain ng sapat. Kaya humanda ka sa sweet at junkfood cravings. Warningan mo narin ang mga mahal mo sa buhay na magiging masungit ka sa mga susunod na araw.


Coach Jeaneth’s tip: Bias po ako. Hindi ako naniniwala sa fast weight loss at restrictive dieting. Promotor po ako ng #flexibledieting at #sustainablehealthyeating. Lagi kong itinuturo ang 80-20 rule, 80% #wholefoods at 20% #soulfood sa lahat ng aking cliente maging sa mga nagtatanong lang. Siguraduhin na ang daily food intake natin ay sapat (hindi kulang at hindi sobra), may variety (dahil hindi nakukuha ang lahat ng sustansiya sa iisang pagkain lamang), at nagdudulot ng kasiyahan.

Kung may tanong po kayo, mag-comment lang po kayo.

10 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comments


bottom of page