top of page
Larawan ng writerCoach Jeaneth Aro

Orange Juice instead of Orange Fruit? Beware...

Ok lang ba yun? Palitan nalang ng juice ang whole fruit? Tutal sa fruit din naman nanggaling ang juice...

Ang 1 serving ng orange fruit ay 1 small piece at ito ay may halos 10g of carbohydrates OR 2 teaspoons sugar equivalent. Ang 1 cup (240ml) ng orang juice (OJ) ay halos katumbas ng 2-1/2 pieces small oranges (see photo for details). Sa isang araw, mainam kung maka-consume tayo ng at least 2-3 servings of whole fruits on top of our vegetables intake. Ang allowed servings ay depende sa daily calorie needs ng isang tao.


As a nutrition coach, my answer to the question above will always be— IT DEPENDS (piliin mo kung nasaan ka dito)


  1. Kung ikaw ay atleta at may mataas na daily energy requirement dahil madalas at mahaba ang iyong training araw-araw (e.g. endurance sports), then walang problema kung ang ibang fruit servings ay sa juice kukunin. Siguraduhin lang na balanse ang combinations nito with other whole food sources.

  2. Para naman sa mga athletes na nasa weight-class sports, maaring lamang mag-include ng juice kung nasa maintenance phase ng timbang at mataas ang intensity ng training. Ngunit kung magsisimula nang magbawas ng weight, mas mainam na mag-focus sa whole fruit consumption.

  3. Para sa mga non-athletes but active individuals, dun sa mga gustong maging fit and healthy, maaring isama paminsan-minsan ang juice sa diet especially on days na mas mahirap ang workout or mas madami ang activities. Pero sa mga araw na hindi makakapag-exercise, magfocus nalang sa whole fruits.

  4. At para sa mga sedentary individuals, yun mga walang time masyado na makapag-exercise, lagi lang halos naka-upo, I suggest iwasan ang pag-inom ng juices at magfocus sa whole fruit consumption.



Ang major consideration sa mga nabanggit ko ay ang CARBOHYDRATE content ng fruit/fruit juice in the form of SUGARS. Maihahalintulad ang sugar content ng 1 cup OJ sa sugar content ng 1 cup regular soda. Mas mainam na maintindihan kung kailan appropriate ang pag-consume ng fruit juice vs whole fruit at hindi basta-basta maging CARBO-PHOBIC.\

Gentle reminder lang na ang lahat ng fruit/fruit juice recos na nabanggit ko ay on top of the daily recommended VEGETABLES intake, at HINDI KAPALIT ng gulay. Kaya yun mga hindi kumakain ng gulay, SORRY wala pong takas

12 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comments


bottom of page