top of page

Is the Sun the only source of Vitamin D?

Sigurado ako, isa sa mga nabasa mong health tips ngayon panahon ng pandemic ay ang tungkol sa Vitamin D.

Marami kasing bagong pag-aaral ang nagsasabi na mababa ang Vit. D level sa katawan/dugo ng mga taong nagkaroon ng malubhang Covid 19 events, lalong-lalo na sa mga:

  • obese individuals

  • individuals with non-communicable diseases (hypertension, diabetes, cardiovascular diseases, metabolic syndrome)

  • elderly population (esp in Italy, Switzerland, and Spain)

  • Black ethnic origin

Dahil dito biglang naging conscious tuloy ang nakararami pagdating sa Vit. D supplementation. Dumating pa sa puntong halos wala na mabili na Vit. D supplement.


Vit. D is linked to:

  1. positive anti-inflammatory response

  2. antimicrobial activity against bacteria, fungia, and enveloped viruses

  3. positive effects on respiratory and cardiovascular diseases in patients with low Vit. D status

  4. positive benefits on bone health

Sa totoo lang, may kakayanan talaga ang ating katawan na makagawa ng Vit. D kapag na-expose ang ating balat sa araw (skin synthesis). Kahit magpa-araw lang ng 5-30min per day, 2x/week ay sapat na upang makamit ang requirements ng Vit. D.


Ngunit dahil sa quarantine lifestyle at season ng tag-ulan, halos wala nang pagkakataong maarawan ang mga tao ngayon. Kung kaya’t ang karamihan ay umaasa nalang sa supplements.


Pero kung medyo tight budget ka sa ngayon or kung di mo trip ang magdagdag pa ng hiwalay na Vit D supplement, narito ang ilang food sources na maari mong idagdag sa iyong diet para makatulong na makamit ang daily requirements ng Vitamin D.

Lagi lang tatandaan na WALA pang SAPAT NA EBIDENSYA na nagpapatunay na ang paginom ng Vitamin D supplements ay kayang labanan ang pagkakaroon (prevent) o pagalingin (cure) ang covid 19.

References:

13 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comments


bottom of page