top of page

Is the Sauna Suit effective in Losing Weight?

Sa loob ng halos 3 dekadang napag-alaman ko ang tungkol sa paggamit ng sauna suit (o mas kilala bilang reducer/reducing jacket sa mga boxers) ay na-realize ko din kung paano nag-evolve ang pananaw ko sa weight loss tool na ito.



Nung ako ay atleta pa, lagi ko itong ginagamit sa tuwing naghahabol ako ng timbang para sa isang tournament. Napansin ko kasi na ang laki agad ng timbang na nawawala sa akin pagkatapos ng 1.5-2h na training. Para kang nagbanlaw ng damit sa dami ng pawis na maaring mapiga. Kaya naging favorite ko talaga ang pag-gamit nito nung nag-cocompete pa ako sa Taekwondo nung highschool at college.


Ngunit, nung ako ay nagsisimula nang tumulong sa nutrition ng mga athletes, natutunan ko na hindi ito magandang gamitin sa pagpapayat o pagbawas ng timbang. Kaya’t nung mga panahon na yon, pag may nagtanong sakin kung ok ang sauna suit, ay negative agad ang context ng opinion ko.


At ngayon, makalipas ang halos 2 dekada ng pagtulong sa mga atletang Pilipino, ay mas lalong lumawak ang pananaw ko sa pag gamit ng sauna suit. Watch this video to:

  1. Learn how sauna suits induce weight loss,

  2. Know about the context of why I allow elite level athletes I’m helping use sauna suits, and

  3. Learn how sauna suits play a role in weight loss of non-athletes and casual exercisers.


And for more curated nutrition related videos please subscribe to my YouTube channel: youtube.com/coachjeanetharo.

5 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comments


bottom of page